Are you prepared?



Today is monday and as usual papasok ng school at uuwi ng bahay. Pag uwi ng bahay, uupo sa harap ng computer at mag-oonline. Magbabasa ng blog at magsusulat. Bukas ganun uli, papasok-uuwi, uupo-magbabasa, magsusulat. Paulit-ulit, paikot-ikot.

It's nice to read others blogs to be inspired and share it to others for them to inspire too. Share your blessings ika nga. Unang buwan ng taon na ito, I encountered an accident. As in worst na nakita or na-witness ko sa buong buhay ko. It happened last January 22, 2011 sa Regalado, Fairview habang pauwi ako galing ng Quezon City Circle (gabi).

Ganito kasi yun, I was riding on a jeep, then yung jeep huminto. Habang nakahinto yung jeep na sinasakyan ko, nakatingin ako sa window ng jeep kung saan ako nakaharap. I was in the right side, so biglang may kumalabog, as in sobrang nakakagulat. Akala ko nga ten wheeler truck na nalaglag lahat ng bakal na dala, but i was wrong.

Napatingin ako sa four student na nakatayo sa labas ng waiting shed, they are all boys. Yung tatlo naka-takbo pa, pero yung isang lalaki hindi na. Then BoOm! sumalpok yung jeep sa waiting shed kung saan nakatayo yung student, naipit, at napa-ilalim yung lalaki. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabunggo pati yung dalawang babae na passenger ng jeep na nabangga ay nalaglag.

What happened next? Of course, katulad sa movie to-the-rescue ang mga pulis, naabutan nila yung driver at nilagyan ng posas. Dun sa student naman, I don't know kung mabubuhay pa sya sa nangyari sa kanya. Nakaka-awa yung student.

Umandar na yung sinasakyan kong jeep. Dahil sa takot ko, halos gusto ko nang umiyak. Para akong masusuka. Yung mga tao na kasama ko sa jeep hindi ko namalayan na nakatingin na pala sakin. Yung lalaking katabi ko nga, inaabutan na ako ng plastic kasi naduduwal na ako.

It was really a shocking night. I didn't expect na makakakita ako ng ganun that time. All I know is that nakasakay ako ng jeep para maka-uwi na ng bahay. At pagdating ko sa bahay, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. The next day, parang ayaw ko nang sumakay sa jeep. Na-phobia talaga ako.

Imagine, nakatao lang sya at walang ginagawa. And then ganun pala ang mangyayari. We didn't know what  will happen next. So to everyone, lets live the life we have.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Tourist