Wala pa rin palang kwenta kahit galingan ko sa lahat ng bagay. Hindi pa rin pala nila ako mapapansin at maipagmamalaki. Mas nakikita nila yung taong maaga bumuo ng pamilya kesa sa katulad kong nag sumikap, mas napupukaw ng attention nila yung walang trabaho kesa sa kanilad kong kumikita na ng malaki sa isang company. Bakit ganun? Ang unfair naman sa part ko. Ginalingan ko na nga eh, kasi ayokong masabihan nila ako ng - ano ba yan ang aga nag pamilya, walang trabaho, anak ng anak, parang walang pangarap sa buhay, ganyan lang ba gusto mong klase ng buhay. - 
Ginalingan ko, pinakita kong kaya ko bawat challenge, pinakita kong di ako matutulad sa iba na failed. Pero bakit ganun? Parang nawalan sila ng pakialam sakin? Bakit di ko maramdaman na naging proud sila sa narating ko? Mali ba ako ng ginawa? dapat ba nagpamilya nalang ako at my young age? Para sakin nila sasabihin na -dapat mas tulungan si gia kasi may pamilya yan, anak ko yan -.
Eh pano naman ako? Hindi mo ba ako anak? Hindi ko ba deserve yung suporta niyo sa pinakita ko? Mali ba na naging magaling ako? Mali ba na nagkaroon ako ng pangarap? Wala man lang akong narinig sa inyo na natuwa kayo sa narating ko. Buti pa ibang tao bilib sakin. Buti pa si mommy at daddy nakasuporta sa bawat desisyon ko. Nakasuporta sa bawat success at failure ko. Unfair. 💔😔

Comments

Popular posts from this blog

The Tourist